CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, August 20, 2008

Is the Filipino Still Worth Dying For?


25 na taon na ang nakakaraan ng mamatay si Ninoy sa Manila International Airport. Taun-taon, ginugunita natin ang kanyang tapang ng mag desisyon syang bumalik sa Pinas kahit na may pag babanta sa buhay nya maibalik lang ang demokrasya sa bansa.

But, are we really worth dying for?

Magpahanggang ngayon, hindi ko alam kung ano sagot o opinyon ko dito. Bigo ako sa bawat taon na sagutin ko ang tanong na iyan.

Kanina, bago ako matulog, sinubukan ko ulit syang sagutin. Paano kung ako ang nasa katayuan ni Ninoy ng panahon na iyon? Uuwi pa rin ba ako ng bansang sinilangan para lamang ipaglaban ang aking paniniwala? Iiwan ko ba pamilya ko para makipag talastasan sa isang diktador? Isusugal ko ba buhay ko para sa mamamayang Pilipino?

May sagot na ako at sa ngayon lamang ito. Ang sagot ko - MAAARI. Maaring gawin ko rin ang ginagawa ni Ninoy. Given na pareho kami ng katungkulan sa lipunan at pareho kami ng katayuan sa buhay. Maaring gawin ko rin ang ginawa nya.

Ngunit isa lamang akong damdam. Ang pwede ko lang gawin ay alagaan ang demokrasya na pinaglaban nya nuon. Ipagtanggol ang aking karapatan at ipagpatuloy ang moral obligation ko sa lipunan. At para sa akin, sa panahon ngayon e subjective na ang "the filipino is worth dying for" na linya. Iba nuon, iba na rin ngayon.

Ayaw ko ng pagisipan na yan. I will cross the bridge when I get there. Pero sana wag ng umabot pa sa ganun ulit. Mahirap ang buhay daw ng pigil ang kilos.

Kung sa bagay, kung hindi dahil sa pinaglaban nila nuon, malamang e may curfew pa rin at hindi na talk of the town ang nalalapit na reunion concert ng eheads at april boys ca ccp sa August 30.

Wala pa akong ticket para sa eheads. At makikipagpatayan ako makakuha lang kahit na isa (pwede rin dalawa, para may ka date ako).

See! iba nuon at iba na ngayon!

By the way, here is the arrival speech of Ninoy, undelivered.

7 comments:

lethalverses said...

wahahahaha nakasama na ang concert ng april boys!!!!!!!!!

so alin ang papanoorin natin?

...kung ako ang tatanungin, mas gusto ko sa april boys. hehehe

PoPoY said...

at dahil manunuod ka na ng april boys hindi na tayo tuloy ning hahahaha :)

Anonymous said...

@ LV - tinatanong pa ba kung alin ang papanoorin natin?! shempre ikaw sa APRIL BOYS, ako sa Eheads! weee!!!

@ popoy - hoy!!! indyanero! wag moa kong iwan sa ere ulit.. lilibre mo pa ako!

pb said...

wala akong panonoorin kasi gusto ko, sa first concert na mapapanod ko eh international. hehe.

ke ninoy naman... buti nalang patay na sya. kawawa sya kung masubay bayan nya buhay ng anak nya. hehe.

Anonymous said...

@ pb - youre mean.. kanino ka ba nag mana? sa ate mo? lol..

chroneicon said...

wakanangshet!

talgang may april boys hehe...

Anonymous said...

ako man nahihirapan ding sagutin ang tanong na yan. pag nakikita ko nangyayari sa pulitika at sa lipunan, mas lalong nagiging mahirap sagutin. hehe.