Face your fear!
Yeah right...
Parang ang dali e noh. Ikaw, panigurado may isa o dalawang bagay na makakapagpapatulo ng luha at uhog mo sa takot. Di naman madali di ba? Sige nga, pag isang gabing mag-isa ka e may biglang kung anong whatsoever-non-solid-ethereal-being na sumulpot sa harap tignan natin kung masabi mo pang face you fear. Tapos sabi pa ng iba pag natatakot ka na sa mumu e think of sexy thoughts. Minsan gumagana, pero naman pag nasa harap mo na, pustahan tayo di mo na maiisip si Marian, Ehra, Katrina at Iwwa.
Pero hindi ako sa mumu takot(okay fine natatakot din ako sa mumu, pero hindi ko na yung masyadong pinoproblema... teka, mag-isa ako ngayon! whaaa!!! peace tayo... wag kang ganyan.. brad pitt brad pitt brad pitt...)
Para sa mga nakakakilala sa akin, ang pinaka kinatatakutan ko ay ang lumagapak. Hindi madapa na literal ha. Failure. Masakit, mahirap, masalimuot para sa akin ang pagkabigo. Que ano pa yan. Basta naumpisahan na ako ng pag-asa tapos umasa na ako at nag hangad, tapos bumaksak, asan mo balde balde ng luha ang iipunin ko, rolyo-rolyo ng tissue paper ang mauubos, tuwalya na ang paminas ko at mapipiga na(teka oa na e).
Hindi ako yung tipo ng umaasa kasi agad-agad.
Dont expect, and you dont get disappointed kung baga.
Unhealthy, sabi ng iba. Without failure di mo daw mapapahalagahan ang salitang tagumpay(at sino ka namang hinayupak ka para husgahan ako na hindi ako matututong magpahalaga ng tagumpay.. che!)
Hindi kaya, labis lang talaga katamaran ko kaya ayaw kong umasa? Hmmm...
Nitong mga nakaraang buwan, tatlong beses akong lumagapak.
Ang una, isang importanteng tao ang nasaktan ko ng sadya dahil sa aking pagiging sakim. Hindi ko na ipapaliwanag kung ano nangyari. Ang mahalaga, nakapag patawaran na kami(salamat at binigyan mo ako ng isa pang pag kakataon para ituwid kong lahat)
Ang pangalawa, isang taong importante ang napasakitan ko ng hindi ko nalalaman. Kung baga, "di ko naman alam e. e kung alam ko lang ba edi di ko ginawa". Sa wakas nag kaintindihan din kami. Nakapag ayos at sana tuloy-tuloy na ito.
Ang pangatlo, may isang tao na hindi ko inaasahan na kakanti ng aking pagkatao, nahamon ako sa kanyang katauhan at aking pasensya. Sa madaling sabi, nahulog ako(sige lagyan mo na ng malisya, go)
Shit happens for a reason, as I always say.
Maaring isa itong pag sabi sa akin ng panahon na "grow up" at kailangan ko ng matutong mag handle ng aking sarili pag may gaganitong pagkakataon(pucha naman! bakit may darating ba na mas malaki? wag naman sana.. please? papaburger ako!)
Saturday, September 6, 2008
lumagapak
Posted by damdam at 8:16 AM
Labels: damdam sulatsulat
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
damn! may bago ka na pala.
minsan masarap ituloy sa tulog kapag lumagapak. yung plakda ka pa sa sahig. tumayo ka na lang pagkagising mo. mas masarap ang bangon. =D
"Train yourself to let go of everything you fear to lose." - Yoda
Face your Fear, Live your Dream... Syet, parang commercial lang...
Boooo!!! Ayan na si Chibi sa tabi mo... Hehehe...
Post a Comment