CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, September 22, 2008

papaano?

Paano tapusin ang bagay
na hindi naman nasimulan?
Paano hanapin, magsusumamo,
sa pagkakataong di naman natamo,
Matimyas na ngiti at malamyos na akap,
ang dumatal ay hangin lamang
Paano kong pababayaan,
ang hindi naging akin man lang?

Paano ko maiiwanan,
hindi naman dinatnan?
Sumalubong ng parating
ng walang talatakdaan.
Manglunggati ng dilat,
kahit nakatirik sa arawan
Ang diwang tulog at pusong durog,
konsensyang nagtatawanan.

Paano wakasan ang lahat,
nang walang namang niluwal.
At paano sumuway sa batas
ng walang nagbabawal?
Paano magpapaalam,
sa hindi naman humantong?
At lisanin ang lugar
na hindi naman natunton?

20 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Huwaw! One of your best poems so far. Ramdam ko ang hinagpis ng magsulat.

Anonymous said...

ansarap nyang basahin paulit ulit
paulit ulit
paulit ulit hanggang sa mamanhid.

Anonymous said...

madali lang. punta ka sa tapat ng ust. sakay ka ng biyaheng project 9 tapos sabihin mo sa driver ibaba ka sa project 10. 9.50 pamasahe. mag-bayad ka ng 10 tapos sabihin mo keep the change. mga 15 mins lang ang byahe kung walang trapik at kung meron na mga 3 days. ha? non-sense? ok.



malungkot.

ayan seryoso na.

pb said...

hrap naman nyan. di ko kasi alam ang sagot. pero pwede akong magmarunong... ganito, sakay ka pedicab, dapat may anghit ung nag ba bike tapos sabihin mo kaybigan kalawakan ang daan. matatanto mo ang isang bahay kung saan may poging lalakeng bata.. sa kanya mo tanong kung ano gagawin mo. hehe.

Anonymous said...

nakakalungkot naman to.

Axel said...

Syet, nosebleed ako sa poem mo... Kahit hindi ko siya masyadong naintindihan gets ko na may kalungkutan kang nadarama sa iyong mga mata... hehehe... tama ba yun...

Anonymous said...

meron din akong tanong... pano kaya humaching ng di nakapikit ang mata... hehhehe. ang tatas mo managalog ate... :)

PoPoY said...

ako din. ang lalim ng tagalog.

malungkot nga...

damdam said...

@ gas dude - salamat. chamba lang.

@ vera (my krass) - oo nga kahit ako inuulit ulit ko, nasasaktan pa rin ako, di ako mamanhid e.

@ pedro - oo nga malungkot

@ pb - ayaw ko tanungin ngayon yung lalakingpogi na yun, susuntukin daw nya ako kasi inubos ko yung kanin kahapon kahit yung tyahin naman nya ang umubos.. ay sos yan.. sige someday tatanungin ko sya..

@ pampoy - baon baon ko pa ito papunta ng baguio at hanggang umuwi.. ehehe.. sensya na di ko makwento pa.. malamang hindi ko na rin makukwento..

@ axel - shet ka rin! pero salamat, napansin mo pala.. ikaw lang ata nakapansin.. apir!

@ joshmarie - ayon sa akin pag oobserba, kung nais mong bumahing ng nakadilat, subukan mong sabihin na HATSAAA! imbes na HATSING! it works, pramis naka dilat ka.. o kuha na ng paminta, singhot na! at salamat sa iyong comment.

@ popoy - malalim ba? hmm sige sa susunod babawan natin. .i will try to make it so conyo.. aahahahaha.

Axel said...

Sabi syet sa poem, lalim eh... hehehe...

Pansin ko problemado ka nung nasa Baguio tayo, kasi emo mode ka nung naiwan tayo sa veranda nung isang gabi...

GODDESS said...

damdam! pano nga ba? hindi mo pwedeng pakawalan dahil kahit kelan hindi naman naging syo... hindi ka pwedeng magpaalam dahil kahit minsan, hindi ka naman niya pinapasok sa buhay niya. higit sa lahat, pano mo pipigilin ang sarili mong magmahal kung ang kapalit nun ay katinuan mo?

naloloka ako mare! hindi ko na alam kung ikaw pa yang tinutuloy ko o ako na! pero satin kasing dalawa, kapag tinukoy kita, parang ako na din yun.

ang labo! pero buti syo, malinaw tong pinagsasabi ko.

love you mare!

Anonymous said...

well ang masasabi ko lng ang hirap arukin...ang sakit sa bangs!

anyways, na miss na kita... tayo nlang mga gurls ang lumabas.

at alam mo na kung anu saasabihin ko tungkol dyan nanggaling na rin yan sa'yo....g****** mo yan eh.

wav u...:P

womanwarrior said...

napaisip ako dito ah...

oo nga, yan ang mga kabalintunaan sa buhay natin...

Anonymous said...

ah eto na pala. papaano nga ba? pm ko na lang sayo ang nangyare sakin. baka makatulong. ahihihihi! namiss kita damdam ah. hindi kasi ako nagpaparamdam. ahihihi.

Anonymous said...

Paano wakasan ang lahat,
nang walang namang niluwal.
At paano sumuway sa batas
ng walang nagbabawal?
Paano magpapaalam,
sa hindi naman humantong?
At lisanin ang lugar
na hindi naman natunton?>

Polemic.. hehehe.... Ang pagpapaalam sa bagay na di naman humantong ay maituturing na tila pagbaba sa jeep na biyaheng sta.lucia eh nasa green park ka palang at nagbabay ka na sa kasakay.

Nice one.. :D

Anonymous said...

ag ganda ng tula.haylabit!!! galing mo magsulat tita.....

damdam said...

@ axel - oo nga ang emo nun.. walang ang sasalita, ay meron pala, "may lighter ka?" lol

@ goddes - mare, ngayon ko lang napagtanto.. hindi tayo pwedeng mag sama pag isa sa atin heartbroken, kasi pinaluha mo ako sa comment mo.. ouch.. paano pa kaya kung magkasama pa tayo.. i love you too mare..

@ maureen - hindi ko ito ginusto.. okay.. nagkataon lang.. nagkataon! (isa ka pa.. sige paiyakin mo ako)

@ womanwarrior - lola!!! salamat sa pagdaan. pasensya na kung pasaway ako lately, now you know kung bakit ako nag o-OT lagi.. diversion sya..

@ emoness - miss mo ako? di nga kita kilala e..

@ igno - ikaw o miss kita, pucha chong! long time no chat.. salamat sa pag daan. mapadpad naman sa comment mo.. grabe ka naman di naman polemic ah.. ehehehe.. pero sige fine sabi mo.. pero wla akong intensyon maging polemic, pramis.

@ sherwin - salamat po tito! muli salamat sa pag dalaw. hamo, ilalagay kita sa blogroll ko.. sa sabado. promise..

sugar said...

ang galing naman ng poem na to,pramis!

Paano wakasan ang lahat,
nang walang namang niluwal.
At paano sumuway sa batas
ng walang nagbabawal?
Paano magpapaalam,
sa hindi naman humantong?
At lisanin ang lugar
na hindi naman natunton?


wala na, sapul na ako dito.
hehe!

npadaan,tagal ko rin di nakadalaw dito.

Axel said...

Hehehe. Pero nakabuti sana satin ang pagpunta natin dun at kahit papano may mga nakapaglabas ng mga saloobin nila.

Anonymous said...

bihira akong makabasa na aapekto sa sistema ko, pero iba 'to bumigat ang dibdib ko at nasira ang araw ko.

ang galeng!!