CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Thursday, October 2, 2008

anak nga kita (na-tag pala ako ni lyzius.. sakto!)

EDITED:
Na-tag pala ako ni mareng Lyzius! ahahaha.. sakto sa post ko. dahil tungkol sa mga junakis ang paksa ng tag nya:


list all of your kids’ names, or even just one. write down the story or the reason why you chose it. if you’re expecting or planning to have more kids and already have a name for them… list them down too…

Isa (pa) lang ang anak ko. Pinangalanan ko(take note "ko") syang SANTINO ANTONIO. Bakit? dahil ganyan ako ka adik sa palabas na The Godfather. Si Santino ang first born ni Don vito Corleone, at dahil duh! unang anak ko si Santi, kung kaya iyan ang ipinangalan ko sa kanya.

Yung Antonio ay hango sa dalawang rason. Una, dahil ito sa ang pangalan ng ama ni Don Vito ay Antonio Andolini(oo na adik na ako sa the godfather, kulit mo!) Pangalawang dahilan ay dahil sa may kaibigan kami (meaning ng ama ng anak ko) na isang wow shet halimaw ang utak, nag uumapaw na kahenyohan! E nag babakasakaling madaus-dusan ang anak ko ng biyaya sa karunungan at kamalayan dahil sa magka-pangalan sila(labo).

Sa totoo lang wala akong balak mag anak ...... sa ngayon. Basta negotiable pa. Depende kung sino ama.

At sa mga nakalipas na pangyayari e parang ayaw ko na nga talagang mag anak pang muli. Ang hirap pumagitna sa dalawang taong may magkaiba at mag kasalungat na prinsipyo. E paano pa kung anak ko yun? E aka sa sakit ng bangs ko e pag untugin ko yung dalawa! Mabantay bata pa ako!

Pero, kung sakali na magkakaanak ako ang ipapangalan ko ay..... SECRET! baka may gumaya!

O sya, ayaw ko ng magpaliwanag pa. Mag tatag na rin ako.

I tag:

Goddess
Lethalverses
Efbee

*sa pagkakaalam ko, parehong binatna este binata si LV at FB. Gusto ko lang malaman kung pano nyo sasagutin. Eehehehe....

-----------------------------

Isa sa gifts ng aking mahal na mahal na junakis e ang mangabisote. Kapag binasahan mo sya ng libro ng dalawang beses e mamememorize na nya yun agad. At kaya na nyang mag inarte na akala mo e binabasa nya yung libro(di naman marunong).

isang tagpo sa bahay nila damdam:

Linggo. Habang nasa hammock sila LV at CI at si AYZ naman ay nasa upuan, "binasahan" ni Santi ng libro ang tatlo. Shempre and mudra ni Santi, proud as ever at natatawa kasi ang galing e(sensya na.. love your own ako!).

Dahil sa angking kapilyuhan ni LV eto nangyari:

LV: Santi, basahin mo nga ang nasa likod(tinuro ang likod ng libro)

(tinignan ni Santi maigi ang likod ng libro habang naka kunot noo, sabay sagot ng...)

Santi: BAKIT?

nyahahahahha... ayun tawa kami ever. At nasabi na lang nila na "Anak mo nga!"

-----------------------------

Kanina, habang nag bobonding session kami nila mother-superiora at ni pembong sa lungga nya, naikwento ni mama ang isang tagpo sa kwarto nila.

Santi: Mama(he calls my mom Mama, and calls me Mommy), dapat magpagaling ka na. Inumin mo yung mga gamot mo lagi. Para gumaling na yang dede mo at mag ka buhok ka na ulit.
(may breast cancer si mama, para sa mga hindi nakakaalam.... She is fine by the way. isang chemo session na lang at one month radiation! yehey tapos na treatment nya! i love you mama! mwah!)

Mama: Ok

Santi: at tsaka, wag ka na rin mamalo ha, para gumaling ka na.

Mama: Ha? Bakit?

Santi: Sabi ng doktor masama daw yun. Kaya wag ka ng mamalo. (sabay alis... lol)


-----------------------------

Isang araw, nang maisipan naming bisitahin ang kanya mabuting ama(walang halong sarcasm yan, pramis) sa kanilang bahay, saktong nandun ang mga friendships namin.

Kami ay nakatambay sa sofa, e pinapila namin ang boys. At tinanong si santi....

Ama nya: Santi, sino ang gwapo jan?
Santi: (tinignan sila. mga 10 seconds siguro, sabay sagot) AKO LANG!

tumbling ever ang mga mokong.

-----------------------------

Noong nandito pa si Papa(as in dad ko ha, hindi papa na jowa) sa Pnas, napansin nila habang kumakain ng agahan ang aking patuloy na pag lusog... Fine! oo na ang taba ko na! So, my dad
said na i should get some excersise and mas ok na mag gym na ako.

At dahil may PMS ata ako nun, so tampo ako ever. I went to Santi's room(room ng parents ko)
and saw him watching cartoons (ang anak ko pag nanonood ng cartoons e parang ako rin, naaliw pero hindi tumatawa). So, nilapitan ko sya.

Damdam: Anak, mataba na ba si Mommy?
Santi: (tinignan ako, sabay balik ng atensyon sa tv)

Damdam: Santi, sexy pa ba si Mommy?
Santi: (tinignan ako ulit. This time mula ulo hanggang paa,
tapos nag irap, at sabi) MOMMY, MAHAL KITA. (tapos balik nood tv)




pffttt... anak nga kita...


-----------------------------

i love you ti! mwah! promise sa christmas, may train ka... sasakay tayo PNR tapos iiwan kita dun pag makulit ka.. lol biro lang..

i love you! mwah! ikaw lang ang lalaking hinding hindi ko pag sasawaang mahalin.



8 comments:

Anonymous said...

ang cute ni santi!! Sayang hindi ko pa sya na-me-meet.

Natawa ako sa kwento ng mom mo, hahaha bawal na mamalo.

Base sa kwento mo e hindi ipagkakailang anak mo nga. hehehe

ayzprincess said...

mahal ko na talaga si santi..

at totoong natawa talaga ako sa "baket" comment ni santi ng pabasahin sya ni sher. hahahahaa

may green eggs and ham book ako.. tsaka how the grinch stole christmas.. pero part yun ng dr. seuss collection ko (so nangiinggit lang ako) kapag nakabili ako ng bagong ganun ulet.. bibigay ko na kay santi.. promise!! ahahhw

Anonymous said...

Natawa ako sa kapilyuhan ng anak mo hahaha :D
manang mana nga sau hehehe :D bakit?
hahaha nadali narin ako ng salitang yan hehehe :D

PoPoY said...

cute naman ni santi.

sa picture pa lang halatang bibong bata :)

swerte mo ning :)

Anonymous said...

naks, kelangan na magpraktis ng pagiging stage mommy...

pwedeng isali sa goin bulilit yan...

oi mader me tag ako sayo tungkol pa rin yan sa mga junakis everloo...

The Gasoline Dude™ said...

Hangkyut! Parang hawig si Santi kay Aaron, 'yung matabang bata sa Going Bulilit. Tama si Lyzius, pwedeng mag-artista! Ikuha mo ng agent, igawa mo ng portfolio, tapos isali mo sa mga commercials. Commission ko ha? *LOLz*

Anonymous said...

haay. i love kids! ang cute at ang sweet ni santi mo. how i wish meron na rin ako anak! inggit ako! pero yang mga hirit ng anak mo, parang yung pamangkin ko. ansarap ng may bata.hehe.

Anonymous said...

ang kyut kyut ni santi...

hahaha
hindi ko alam kung pano sasagutin yang tag.. pag iisipan ko pang mabuti kung ano isasagot ko dyan.. dahil malakas ka sakin... gagawin ko to.. pramis