Isang tagpo ng mapag-usapan namin ng isang kaibigan ang nalalapit na pagpapakasal ng ama ng anak ko:
"E kasi naman damdam, ang engot mo! naka higa ka na sa malambot na kama, umalis ka pa
At sumagot ang damdam,
"Aanhin ko ang malambot na kama kung di na ako kumportable at masaya? Umalis na rin ako, nagising na rin ako nun e. Na-etsapwera na rin ako sa kama, may iba na kasing gustong itabi."
Friday, October 3, 2008
isang tagpo
Posted by damdam at 3:15 PM 4 comments
Labels: damdam shareshare
Thursday, October 2, 2008
anak nga kita (na-tag pala ako ni lyzius.. sakto!)
EDITED:
Na-tag pala ako ni mareng Lyzius! ahahaha.. sakto sa post ko. dahil tungkol sa mga junakis ang paksa ng tag nya:
list all of your kids’ names, or even just one. write down the story or the reason why you chose it. if you’re expecting or planning to have more kids and already have a name for them… list them down too…
Isa (pa) lang ang anak ko. Pinangalanan ko(take note "ko") syang SANTINO ANTONIO. Bakit? dahil ganyan ako ka adik sa palabas na The Godfather. Si Santino ang first born ni Don vito Corleone, at dahil duh! unang anak ko si Santi, kung kaya iyan ang ipinangalan ko sa kanya.
Yung Antonio ay hango sa dalawang rason. Una, dahil ito sa ang pangalan ng ama ni Don Vito ay Antonio Andolini(oo na adik na ako sa the godfather, kulit mo!) Pangalawang dahilan ay dahil sa may kaibigan kami (meaning ng ama ng anak ko) na isang wow shet halimaw ang utak, nag uumapaw na kahenyohan! E nag babakasakaling madaus-dusan ang anak ko ng biyaya sa karunungan at kamalayan dahil sa magka-pangalan sila(labo).
Sa totoo lang wala akong balak mag anak ...... sa ngayon. Basta negotiable pa. Depende kung sino ama.
At sa mga nakalipas na pangyayari e parang ayaw ko na nga talagang mag anak pang muli. Ang hirap pumagitna sa dalawang taong may magkaiba at mag kasalungat na prinsipyo. E paano pa kung anak ko yun? E aka sa sakit ng bangs ko e pag untugin ko yung dalawa! Mabantay bata pa ako!
Pero, kung sakali na magkakaanak ako ang ipapangalan ko ay..... SECRET! baka may gumaya!
O sya, ayaw ko ng magpaliwanag pa. Mag tatag na rin ako.
I tag:
Goddess
Lethalverses
Efbee
*sa pagkakaalam ko, parehong binatna este binata si LV at FB. Gusto ko lang malaman kung pano nyo sasagutin. Eehehehe....
-----------------------------
Isa sa gifts ng aking mahal na mahal na junakis e ang mangabisote. Kapag binasahan mo sya ng libro ng dalawang beses e mamememorize na nya yun agad. At kaya na nyang mag inarte na akala mo e binabasa nya yung libro(di naman marunong).
isang tagpo sa bahay nila damdam:
Linggo. Habang nasa hammock sila LV at CI at si AYZ naman ay nasa upuan, "binasahan" ni Santi ng libro ang tatlo. Shempre and mudra ni Santi, proud as ever at natatawa kasi ang galing e(sensya na.. love your own ako!).
Dahil sa angking kapilyuhan ni LV eto nangyari:
LV: Santi, basahin mo nga ang nasa likod(tinuro ang likod ng libro)
(tinignan ni Santi maigi ang likod ng libro habang naka kunot noo, sabay sagot ng...)
Santi: BAKIT?
nyahahahahha... ayun tawa kami ever. At nasabi na lang nila na "Anak mo nga!"
-----------------------------
Kanina, habang nag bobonding session kami nila mother-superiora at ni pembong sa lungga nya, naikwento ni mama ang isang tagpo sa kwarto nila.
Santi: Mama(he calls my mom Mama, and calls me Mommy), dapat magpagaling ka na. Inumin mo yung mga gamot mo lagi. Para gumaling na yang dede mo at mag ka buhok ka na ulit.
(may breast cancer si mama, para sa mga hindi nakakaalam.... She is fine by the way. isang chemo session na lang at one month radiation! yehey tapos na treatment nya! i love you mama! mwah!)
Mama: Ok
Santi: at tsaka, wag ka na rin mamalo ha, para gumaling ka na.
Mama: Ha? Bakit?
Santi: Sabi ng doktor masama daw yun. Kaya wag ka ng mamalo. (sabay alis... lol)
-----------------------------
Isang araw, nang maisipan naming bisitahin ang kanya mabuting ama(walang halong sarcasm yan, pramis) sa kanilang bahay, saktong nandun ang mga friendships namin.
Kami ay nakatambay sa sofa, e pinapila namin ang boys. At tinanong si santi....
Ama nya: Santi, sino ang gwapo jan?
Santi: (tinignan sila. mga 10 seconds siguro, sabay sagot) AKO LANG!
tumbling ever ang mga mokong.
-----------------------------
Noong nandito pa si Papa(as in dad ko ha, hindi papa na jowa) sa Pnas, napansin nila habang kumakain ng agahan ang aking patuloy na pag lusog... Fine! oo na ang taba ko na! So, my dad said na i should get some excersise and mas ok na mag gym na ako.
At dahil may PMS ata ako nun, so tampo ako ever. I went to Santi's room(room ng parents ko) and saw him watching cartoons (ang anak ko pag nanonood ng cartoons e parang ako rin, naaliw pero hindi tumatawa). So, nilapitan ko sya.
Damdam: Anak, mataba na ba si Mommy?
Santi: (tinignan ako, sabay balik ng atensyon sa tv)
Damdam: Santi, sexy pa ba si Mommy?
Santi: (tinignan ako ulit. This time mula ulo hanggang paa, tapos nag irap, at sabi) MOMMY, MAHAL KITA. (tapos balik nood tv)
pffttt... anak nga kita...
-----------------------------
i love you ti! mwah! promise sa christmas, may train ka... sasakay tayo PNR tapos iiwan kita dun pag makulit ka.. lol biro lang..
i love you! mwah! ikaw lang ang lalaking hinding hindi ko pag sasawaang mahalin.
Posted by damdam at 10:34 AM 8 comments
Labels: damdam shareshare
Monday, September 22, 2008
papaano?
na hindi naman nasimulan?
Paano hanapin, magsusumamo,
sa pagkakataong di naman natamo,
Matimyas na ngiti at malamyos na akap,
ang dumatal ay hangin lamang
Paano kong pababayaan,
ang hindi naging akin man lang?
Paano ko maiiwanan,
hindi naman dinatnan?
Sumalubong ng parating
ng walang talatakdaan.
Manglunggati ng dilat,
kahit nakatirik sa arawan
Ang diwang tulog at pusong durog,
konsensyang nagtatawanan.
Paano wakasan ang lahat,
nang walang namang niluwal.
At paano sumuway sa batas
ng walang nagbabawal?
Paano magpapaalam,
sa hindi naman humantong?
At lisanin ang lugar
na hindi naman natunton?
Posted by damdam at 12:19 AM 20 comments
Labels: damdam tulatula
Friday, September 12, 2008
magrereklamo ako sana...
*segue: leche typo queen talaga ako ever! mali pa yung picture!
Ayaw ko sa taong wala ng ginawa kundi mag reklamo ng mag reklamo ng lahat ng nasa paligid. Yung tipong wala ng nakitang maganda.
Tapos mag mamaktol.
Pero nag rereklamo ako ngayon.
Pfft...
Posted by damdam at 9:23 AM 14 comments
Labels: damdam tangatanga
Monday, September 8, 2008
naaliw lang ako sa YM status..
Natuwa lang ako sa YM status ng aking good friend na si Manga last week (mahal kita... wag ka ng magtampo sa akin kung lagi akong wala... or di kita inaaya man lang mag yosi.. busy lang talaga... kung gusto mo akong sumbatan, go lang. Mwah!)
...think again.
Posted by damdam at 3:45 PM 7 comments
Labels: damdam shareshare
Saturday, September 6, 2008
lumagapak
Face your fear!
Yeah right...
Parang ang dali e noh. Ikaw, panigurado may isa o dalawang bagay na makakapagpapatulo ng luha at uhog mo sa takot. Di naman madali di ba? Sige nga, pag isang gabing mag-isa ka e may biglang kung anong whatsoever-non-solid-ethereal-being na sumulpot sa harap tignan natin kung masabi mo pang face you fear. Tapos sabi pa ng iba pag natatakot ka na sa mumu e think of sexy thoughts. Minsan gumagana, pero naman pag nasa harap mo na, pustahan tayo di mo na maiisip si Marian, Ehra, Katrina at Iwwa.
Pero hindi ako sa mumu takot(okay fine natatakot din ako sa mumu, pero hindi ko na yung masyadong pinoproblema... teka, mag-isa ako ngayon! whaaa!!! peace tayo... wag kang ganyan.. brad pitt brad pitt brad pitt...)
Para sa mga nakakakilala sa akin, ang pinaka kinatatakutan ko ay ang lumagapak. Hindi madapa na literal ha. Failure. Masakit, mahirap, masalimuot para sa akin ang pagkabigo. Que ano pa yan. Basta naumpisahan na ako ng pag-asa tapos umasa na ako at nag hangad, tapos bumaksak, asan mo balde balde ng luha ang iipunin ko, rolyo-rolyo ng tissue paper ang mauubos, tuwalya na ang paminas ko at mapipiga na(teka oa na e).
Hindi ako yung tipo ng umaasa kasi agad-agad.
Dont expect, and you dont get disappointed kung baga.
Unhealthy, sabi ng iba. Without failure di mo daw mapapahalagahan ang salitang tagumpay(at sino ka namang hinayupak ka para husgahan ako na hindi ako matututong magpahalaga ng tagumpay.. che!)
Hindi kaya, labis lang talaga katamaran ko kaya ayaw kong umasa? Hmmm...
Nitong mga nakaraang buwan, tatlong beses akong lumagapak.
Ang una, isang importanteng tao ang nasaktan ko ng sadya dahil sa aking pagiging sakim. Hindi ko na ipapaliwanag kung ano nangyari. Ang mahalaga, nakapag patawaran na kami(salamat at binigyan mo ako ng isa pang pag kakataon para ituwid kong lahat)
Ang pangalawa, isang taong importante ang napasakitan ko ng hindi ko nalalaman. Kung baga, "di ko naman alam e. e kung alam ko lang ba edi di ko ginawa". Sa wakas nag kaintindihan din kami. Nakapag ayos at sana tuloy-tuloy na ito.
Ang pangatlo, may isang tao na hindi ko inaasahan na kakanti ng aking pagkatao, nahamon ako sa kanyang katauhan at aking pasensya. Sa madaling sabi, nahulog ako(sige lagyan mo na ng malisya, go)
Shit happens for a reason, as I always say.
Maaring isa itong pag sabi sa akin ng panahon na "grow up" at kailangan ko ng matutong mag handle ng aking sarili pag may gaganitong pagkakataon(pucha naman! bakit may darating ba na mas malaki? wag naman sana.. please? papaburger ako!)
Posted by damdam at 8:16 AM 3 comments
Labels: damdam sulatsulat
Thursday, September 4, 2008
minsan lang to, wag ka ng pumalag
Napagtanto ko lamang na SHET! ISANG TAON NA AKONG SINGULAR! Pero hindi natin pag uusapan ang rason kung bakit nga ba?(uuuuyyyy, umiiwas... che!)
Matapos ang dalawang masalimuot kong relasyon sa dalawa kong ex jowais, ngayon ko lang naisipan na mag ungkat at manumbat(kayanin ko kaya?)
Kausap ko kanina ang aking
Kung di nyo naitatanong(okay fine wag nyo na nga itanong pa, kasi eto na) dalawa pa lang ang lalaking tinuring kong THIS IS IT. (the rest, sorry pero, di ko talaga feel na naging gf nyo ako or bf ko kayo). Bakit silang dalawa lang? Ano naging batayan ko? SIKRET! NO CLUE PARA MASAYA!
Biro lang. Sa kanila ko lang nadama na isa akong espesyal (parang bibingka lang)na babae na may utak at desisyon na ginagalang... nung mga unang quarter. Hanporchuneytly, sa kalaunan, nakalimutan nilang babae ako; marupok, emosyonal at hindi lahat ng pag kakataon ay kayang magpalampas at pati pagkatao ko kinuwestyon na nila.(no more further details... lol)
Hindi ko na idedetalye ang mga pangyayari. Pero parang binago ko lang ang mga pangalan nila dahil halos pareho lang sila ng ginawa.(ayan, ang bitter ko na, yes!)
Bakit ko nga ba naisip na maging bitter bigla? Wala lang, gusto ko alng makisali! At natawa lang kasi ako sa reaction ng mga ex ko(the non bf ex) nung pinost ko yung mga litrato na kuha ni jason. Aba mantakin mong ang haba ng hair ko! Abot hanggang EDSA, binaybay pa! Nag si padala ng mga mensahe ang mga mokong at talagang ang style iba iba:
(hindi ko na cocopy paste, may lurker jan na kilala nila ang choice of words ng ibang babanggitin ko e.. mayayari ako.. sounds like na like okies)
ex # 1 Kamusta ka na? Pasensya kung ngayon lang ako nakapag pm sa iyo dito. Ano na number mo? Yun pa rin ba?
Ayus sa style di ba? Parang talagang intensyon nya na kamustahin ako. Kung hindi kaya ako nag post ng mga fechurs na yun sa palagay mo mag p-pm yun. HAYJONTINKSO! So di ako nag reply. Neknek mo..
ex # 2 Looking good! I miss you. Maybe we can catch up sometime. Coffee?
Naks, simple ang dating. may pa haymessyouhay-messyou pa! At least nag acknowledge sya na kaya nya ako na-pm ay dahil sa fechurs. Tae ka, kung di lang ako umayos sa litratong yun di mo pa ako aayain magkape? Nag reply ako ng:
Hey thanx. Sige coffee tayo pag di na ako busy at single ka na.. hehehe.. di ka na nag bago.. ganyan ka pa rin..
Gagong yun! Pag check ko sa profile, in a relationship. At hindi nyo ako pwedeng sabihan ng "malay mo friendly coffee date lang". Mas kilala ko yung taong yun, wag ka ng pumalag.
ex # 3 Naks naman, ganda ng pictures. Tara inuman tayo minsan. Sama natin si _____. Miss ka na rin nun.
Eto, alam ko genuine to. Naging mag tropa naman kami bago kami naging whatchamakolit. Sige chong promise dadalaw ako minsan, iinom tayo. Magchismisan din tayo ng mga bagay bagay.
Sa totoo lang hindi ko talaga kayang mag pakabitter pa. Lipas na e. Para san pa? Ang impokrito ko naman kung di ako naging bitter nung nagkahiwalay kami. Kantuting op it, yung isa dun sa dalawa e nag papikot sa ka tropa mismo namin. In other words na wantutri ako, bantay salakay, na eskapohan. Pero ayun na e, nangyari na e. Nagkapatawaran na. Pinatawad ko na sila, pinatawad ko na rin sarili ko. Ngayon, we still go out. He and I are still close(to a point nahalos o para kaming mag best friends) No joke to. If you want sama ka sa amin minsan pag sakaling lalabas kami. As we always say, WE love awkward moments.
Yung isa naman... ayun ayos lang. Pinagpalit ako sa pangit. Bagay sila! Pangit na, pangit pa ugali mo. Sinaktan nya ako na akala ko hindi nya gagawin ang ginawa nung sinundan nya. Bigo. Binuhay ko sya ng ilang buwan, tapos yung ang gagawin nya sa akin. Binuhos ko oras ko sa kanya. Pati oras ko sa pamilya ko gusto nyang kunin. Leche sya! Tapos nakuha nya pang tumira sa ibabang unit ng apartment na tinitirhan ko (nuon, lumipat na kasi ako) kasama ang shota nyang insecure.
Wow! Masarap din pala manumbat. And now I know the feeling!
Pero para sa akin ang panunumbat at pagging bitter ay hindi palagiang nararapat. Oo may karapatan kang mag inarte at maggalit. Pero utang na loob. Wag naman madalas. Sige ka ikaw rin tatanda. Iisipin nyang tama lang na nagkahiwalay kayo. At kung alam mong ikaw ang may kasalanan, aba naman neng wag ka ng bitter! Chura neto. Magmamaganda ka pa e.
Posted by damdam at 4:08 PM 5 comments
Labels: damdam sulatsulat
(eto na lang title) Project Lafftrip Laffapalooza (para walang kahiraphirap)
The Search for the 2008 Philippines 10 Best Humor Blogs is on! COOL!
1. Kailangang may sarili kang blog. CHECK
2. Iboto ang iyong 3-5 peyborit humor blogs sa pamamagitan ng pagpo-post tungkol sa mga ito sa iyong blog. I-rank ito mula Number 1 hanggang Number 5.
- greenpinoy.com
- huwantso.blogspot.com
- (wala na akong mapili)
- (di ko na talaga alam kung sino)
- (sila lang gusto kong iboto, bakit ba?!)
- Number 1 – 5 votes (YEY 5 VOTES FOR GP!)
- Number 2 – 4 votes (4 VOTES for M!)
- Number 3 – 3 votes
- Number 4 – 2 votes
- Number 5 – 1 vote
4. Ang title ng iyong post ay pwedeng “Project Lafftrip Laffapalooza”, “Super Cool Blogs”, “Best Humor Blogs”, “5 Blogs Na Nakakatawa” o kahit anong title na maisip. DONE!
5. Ang iyong post ay pwedeng in ispokening inglis o Tagalog. (is it alright kung taglish?!)
6. Sa iyong post kelangan mong banggitin na sumasali ka sa Project Lafftrip Laffapalooza at i-link ang site ng http://kwentongbarbero.com (ayan di ko matanggal pati underline neto!!! AKO PO AY SUMASALI SA Project Lafftrip Laffapalooza... promise naka link yan!)
7. Kung sa tingin mo ay isa ka ding humor blog, pwede mong iboto ang sarili mo. Matapos naming i-evaluate kung humor blog ka din, ay sasabihan ka namin kung qualified ka nga. im not a humor blog
8. Tandaan, tatlo hanggang lima lang ang pwedeng iboto. Hindi pwede ang tie sa iyong ranking. KAILANGAN TATLO?! Teka...
- greenpinoy.com
- huwantso.blogspot.com
- iheartmamon.wordpress.com
- (bat di mo agad sinabing tatlo pala!? minimum)
- (next time sabihin mo agad.. HOY JECK WAG KANG MAGTATAMPO HA... Ilabsyou!)
9. Mag-iwan ng comment sa page na ‘to para malaman namin kung may pinost ka nang peyborit blogs sa blogsite mo under Project Lafftrip Laffapalooza. SIGE MAMAYA MAGIIWAN AKO NG COMMENT PROMISE YAN.. GAGANUN AKO..
10. Kung sakaling papalitan ang ranking ng mga binoto o kaya may papalitan kang peyborit blog [nag-LQ kayo, hindi bati, etc], kelangang i-inform kami. SIGE ICHICHISMIS KO SA IYO KUNG NAG AWAY KAMI NI GP OR NI M OR NI JECK... IN DETAILS PA.. PERO DI KO PAPALITAN
11. Heto ang sample entry ng pagboto. AH! NICE NICE..
NOW I EXPLAIN WHY...1. greenpinoy.com - it's more than just a humor blog.. Kasalanan ng utol kong si pb kung bakit ako nahumaling sa greenpinoy.com. Mas minahal(may ganun?!) ko sya dahil sa kanyang mga videos sa youtube at ang mga videos nya sa project ube. Nitong mga nakaraang linggo lamang ay nag host siya/sila ng outreach program sa pgh, at nagsubok mag dala ng ngiti sa mga pasyente dun. Hindi lahat ng blog kaya yan. Still, action speaks louder than blog.
2. huwantso.blogspot.com - ang mala-loser-na-corny-pero-nakakatawa Sa totoo alng disturbing ang mga entries nya. But it takes guts para i-blog ang mga temang iyon. Sige puntahan mo at basahin mo entries nya. Tignan natin kung di umunat lukot ng utak mo. Ang mga litrato, ganun din. Wag mo nga lang titigan gaano, baka bangungutin ka. (biro lang M.. sige, half meant na lang)
3. iheartmamon.wordpress.com - ang bagong luma Ang mga entries niya ay hindi nakakaiba sa pang araw araw na dinaranas ng typical na empleyado na underpaid, na nag cocommute, na nawawalan ng gamit, ng isang taong umiibig. Typical, pero kakaiba sya kung maglahad ng kanyang mga kwento. May bahid ng uniqueness na tanging sa kanya ko lang nakita. (ayan jeck! bawi na ako ha!)
Premyo
1. Kung ang kahit isa sa mga binoto mo ay makapasok sa final tally ng Top 10, makakasama ang pangalan mo sa bubunuting raffle ng isang independent third party committee. Ang isang mabubunot ay pipili ng kanyang magiging premyo [isa lang sa mga sumusunod]: Nokia N70 Music Edition, Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesos. (kunwari di ko alam)HUWAW MAY PREMYO PALA TO! GUSTO KO NUNG JIJICAM!!!
2. Ang mga makakapasok naman sa Philippines 10 Best Humor Blogs ay makakatanggap ng certificates at exclusive bragging rights. Ang Top 3 sa mga ito ay makakatanggap ng ‘Oscars of Blogging’ na tropeo. Ang mga mananalo ay i-aanounce sa site na ‘to sa 2008. NAKS! MAY GANUN > hirit ng wala ng masabi..
May tanong? Email na lang sa dwmx2@yahoo.com SO FAR BOSSING WALA NAMAN AKONG TANONG. SINUNOD KO NAMAN DIRECTIONS MO NG MAAYOS DI BA?
AT AKO AY MAG TUTUNGO SA IYONG BAHAY AT IPAPAALAM NA MAY ENTRY AKO
Posted by damdam at 6:31 AM 6 comments
darating ang araw, makakalimutan din kita
Napaka tagal mo na akong pinaliligaya. Ikaw ang hanap ko sa bawat umaga. Kahit sabi nila bawal tayo sa isa't-isa, eto pa rin ako at masugid na binibigyan halaga ka sa buhay ko. Nag kakasakit ako pag wala ka. naospital pa nga ako ng minsang subuking tanggalin ka ng isang lingo sa sistema ko. Oo, isang lingo lang, hindi ko kaya.
Maraming beses na ikaw lang ang dumamay sa lungkot ko. Sa bawat luha ko ikaw lang ang saksi. Di ko na mabilang ang mga pagkakataon na pinawi mo ang init ng ulo ko at kaba. Ikaw ang gusto kong makasama sa araw araw.
Ngunit hindi pwede na habang buhay e mag tatago ako sa magulang ko ng tungkol sa ating dalawa. Bagamat, alam nila ang tungkol sa atin, hindi ko pa rin kayang magkasama tayong haharap sa kanila.
May anak din ako at hindi ko rin kayang ipaliwanag sa anak ko ang tungkol sa atin. Darating ang araw isusuko kita. Iiwan. Kakalimutan ang ating pagsasama. Ngunit mananatili ang mga kabanatang pinagsaluhan sa aking ala-ala.
Ngunit sa ngayon, akin ka muna. Susulitin kita sa bawat pag kakataon na pinagbabawal ng lahat.
Mahal kita at alam ko alam mo yan. Sa bawat subo ko sa iyo, anong ligaya at sarap.
Bakit kasi ang sarap mo, yosi.
*ako po ay nagbabawas ng paninigarilyo ko. kung nais nyo po akong tulungan, wag nyo akong yayain. i can't say no to something im very into it. oo inaamin ko adik ako sa nikotin. so tulong lang ng kaunti. wag nyo naman akong pag bawalan, ang nais ko alng e wag nyo akong yayain. im not saying that i am quitting(eventually i will) but nag babawas lang ako. sabi nga "hinay hinay lang paka mabigyan". salamas...
Posted by damdam at 3:53 AM 4 comments
Labels: damdam sulatsulat
Saturday, August 30, 2008
to john: why oh why?
Im not going to blog about my ex john here(spelled as jon talaga). But disclaimer muna:
*this is going to be a very boring entry. read at your own risk.
I woke up. Lit my cigarette. Puffed. Grabbed my cellphone. Then I came over this message ni Ericson the other day. "This is going to be tough for the GOP"
He knows, I'm not a democrat, and never was. Believe it or not, when it comes to politics, I'm conservative. I don't want to go into details why am I a republicant. I could go on and on and it will just bore you to death.
Still with me? (Y/N)
So, let me go back to the text message(btw, he is one of my good friends living in the US now... gago ka ton, leche ka umuwi ka na dito.. miss ka na namin). And I went online, goody he is online too!
I present the boring part... (if youre interested with poli-tics(lol) just read on... if not, hit X on the upper right corner)
damdam (8/31/2008 10:31:27 AM):
ericson (8/31/2008 10:31:35 AM): dang!
damdam (8/31/2008 10:31:54 AM): i received your message the other day ata.. unfortunately di na ako online nun
ericson (8/31/2008 10:32:17 AM): pero alam mo naman yung issue diba?
damdam (8/31/2008 10:34:14 AM): wala nga akong alam sa nangyayari e.. ang workaholic ko na.. working ako ng 12 hours almost everyday..
damdam (8/31/2008 10:34:33 AM): bitin yung concert ng eheads last night.(segue lang)
damdam (8/31/2008 10:35:47 AM): i'll read the news tomorrow.. walang pasok bukas.. and today is family day so iiwas ako sa issues..
ericson (8/31/2008 10:36:36 AM): ok: naparegister ako kaagad eh, may speakers ka ba?
ericson (8/31/2008 10:36:50 AM): ok isave mo tong link na to
ericson (8/31/2008 10:36:52 AM): http://www.foxnews.com/video/index.html?playerId=videolandingpage&streamingFormat=FLASH&referralObject=3057190&referralPlaylistId=9ccf127ad00c53ab8708e18e946bf50e83958340
damdam (8/31/2008 10:48:45 AM): babae running mate nya?!
damdam (8/31/2008 10:49:28 AM): wala syang enough experience pa..
damdam (8/31/2008 10:49:36 AM): sorry, di ako feminist e...
ericson (8/31/2008 10:49:37 AM): yup, at first i was shocked when i was told over the phone. then i did the research. it think it's a genius move
ericson (8/31/2008 10:49:59 AM): at this point, he has to do what it takes to win
damdam (8/31/2008 10:50:06 AM): teka, pero (bias opinion ko lang) di ako pabor sa babaeng leader e..
damdam (8/31/2008 10:50:19 AM): wow stunt ba ito?
ericson (8/31/2008 10:50:32 AM): ako rin, vice naman eh.
damdam (8/31/2008 10:50:41 AM): kinuha nya for charms?
damdam (8/31/2008 10:50:54 AM): i mean to get the charisma ng voters na may puso ang GOP?
damdam (8/31/2008 10:51:10 AM): hmmm..
damdam (8/31/2008 10:51:32 AM): teka tulog pa utak ko mula sa lakad ko last night.. di pa ako maka react..
ericson (8/31/2008 10:51:36 AM): i think it's one of the reasons. the atmosphere here is that most are electrified
ericson (8/31/2008 10:51:46 AM): sige iabsorb mo muna
damdam (8/31/2008 10:52:08 AM): sige sige.. i'll say my piece siguro sa blog ko..
damdam (8/31/2008 10:52:16 AM): pero nagulat ako ha!
ericson (8/31/2008 10:52:35 AM): it's a far better move than obama with his white house dinosaur joe biden
damdam (8/31/2008 10:52:50 AM): haha...
damdam (8/31/2008 10:53:40 AM): pero anong nangyayari sa election nila/nyo? nagiging karnabal e..
damdam (8/31/2008 10:53:50 AM): di ko ma feel yung parang dati..
damdam (8/31/2008 10:53:57 AM): yung.. i dont know the word..
ericson (8/31/2008 10:54:22 AM): i just hope black women who think about voting for obama just because he's black for trailblazing purposes, to check sarah palin out just because she's a woman
damdam (8/31/2008 10:54:23 AM): yung integrity ng bawat isa.. yung magandang subaybayang competition ng utak..
damdam (8/31/2008 10:54:53 AM): thats another point i want to tackle din..
damdam (8/31/2008 10:55:17 AM): medjo sa culture ng black women, they belive they are stronger females than white females..
ericson (8/31/2008 10:55:37 AM): obama changed things because of his "blackness" it threw issues and arguments off the table!
damdam (8/31/2008 10:55:41 AM): parang mahirap kunin ang amor ng black women..
ericson (8/31/2008 10:55:57 AM): good point right there
damdam (8/31/2008 10:56:05 AM): iniisip ko tuloy kung good move na sya ang runnng mate..
ericson (8/31/2008 10:57:03 AM): this is why i ask, gusto kong makuha yung opinions ng babae rito
damdam (8/31/2008 10:57:25 AM): di kasi ako peminista e.. sensya na..
damdam (8/31/2008 10:57:56 AM): the moment na tinanggap ko na peminista ako e tinatanggap ko na rin na may opresyon laban sa babae.. e naniniwala akong wala
damdam (8/31/2008 10:58:10 AM): isa pa, di ko kailangan ng equality.. what i believe in is balance..
ericson (8/31/2008 10:58:15 AM): especially yung mga babaeng dems na nadisappoint na 1: hindi si hillary ang rep for prez, 2: hindi sya yung kinuha ni obama for VP
damdam (8/31/2008 10:59:05 AM): ang comics ng election kung si clinton ang running mate ni obama tapos si palin ang sa gop
ericson (8/31/2008 10:59:34 AM): maybe decades from now..
damdam (8/31/2008 10:59:36 AM): nakakaloka yun.. parang threat sa akin actually, ayaw ko talaga ng leader na babae hehehe....
ericson (8/31/2008 11:00:03 AM): ako rin, no way.
damdam (8/31/2008 11:00:03 AM): im not saying they cant rule..
damdam (8/31/2008 11:00:20 AM): hindi kasi kayang i sustain e.
damdam (8/31/2008 11:00:51 AM): basta ayaw ko ng babaeng leader.. unless amazona tribe yan duh..
damdam (8/31/2008 11:01:11 AM): men rules the world..women rules over men.. do the math..
damdam (8/31/2008 11:01:12 AM): joke lang
damdam (8/31/2008 11:01:21 AM):
damdam (8/31/2008 11:03:03 AM): pero sige pag iisipan ko kung magandang move yun
damdam (8/31/2008 11:03:12 AM): so far parang ang desperate e..
ericson (8/31/2008 11:03:13 AM): parang pamilya, i'm sure women are capable of being the leader of a family. pero it won't help that the perceptions of other uncivilized families with male leaders, would be that they are weak
damdam (8/31/2008 11:03:29 AM): agree..
damdam (8/31/2008 11:03:33 AM): true..
ericson (8/31/2008 11:03:56 AM): radical move indeed, desperate measures for desperate times.
damdam (8/31/2008 11:04:04 AM): women are weak(lings) kaya nga men should take care of us e..
damdam (8/31/2008 11:04:10 AM): lol.. sarap ng inaalagaan noh..
damdam (8/31/2008 11:04:26 AM): i hope lang sana mag work yung move na yan..
ericson (8/31/2008 11:05:00 AM): i was really worried na mananalo na tong si barak hussein osama, i was ready to make plans based on his victory
damdam (8/31/2008 11:05:04 AM): sa totoo lang mas interisado ako sa elections jan que sa elections dito..
damdam (8/31/2008 11:05:27 AM): if he wins.... god bless our souls..
damdam (8/31/2008 11:05:30 AM): lol
ericson (8/31/2008 11:05:37 AM): seriously
ericson (8/31/2008 11:05:49 AM): it will be a..
ericson (8/31/2008 11:05:53 AM): DARK time
ericson (8/31/2008 11:09:48 AM): kinikita ko na na mas magiging kupal yung mga negro
ericson (8/31/2008 11:10:01 AM): tapos matutuwa yung mga terrorist
damdam (8/31/2008 11:10:52 AM): sobra ka naman.. wag kang apocalyptic..
damdam (8/31/2008 11:11:22 AM): shit happens for a reason..
ericson (8/31/2008 11:11:23 AM): they actually say that over in palestine, they support him
damdam (8/31/2008 11:11:35 AM): yup i heard that
ericson (8/31/2008 11:12:42 AM): it's powerful that his dad is muslim educated as a child in jakarta, and has HUSSEIN as a middle name!
damdam (8/31/2008 11:13:19 AM): he is black, muslim, ano pa kaya?
damdam (8/31/2008 11:13:59 AM): and i have to admit, he is smart too..
ericson (8/31/2008 11:16:30 AM): no doubt about intelligence, most of them are. character is going to be the basis
ericson (8/31/2008 11:16:55 AM): ok alis na ako..
ericson (8/31/2008 11:17:11 AM): enjoy the weekend (and the pic)
damdam (8/31/2008 11:17:12 AM): sige
And here I am, still wondering, john,is this a stunt? Because if it is, im not buying it (as of this moment)
(i miss intelligent talks... with coffee and cigarettes... anyone?)
Posted by damdam at 8:18 PM 7 comments
Labels: damdam sulatsulat