Di lingid sa kaalaman ng iba na hindi ako bitter (wag ka ng kumontra, lilitanyahan kita, sige). Pero parang gusto kong maging isang ganun sa araw na ito.
Napagtanto ko lamang na SHET! ISANG TAON NA AKONG SINGULAR! Pero hindi natin pag uusapan ang rason kung bakit nga ba?(uuuuyyyy, umiiwas... che!)
Matapos ang dalawang masalimuot kong relasyon sa dalawa kong ex jowais, ngayon ko lang naisipan na mag ungkat at manumbat(kayanin ko kaya?)
Kausap ko kanina ang aking
bitterocampo butihing kaibigan. Tinanong ko sya kung bakit hanggang ngayon e di sya maka let go sa mga ginawa sa kanya ng mga naging irog. Sabi nya,
it makes her stronger and less engot at para daw sa susunod nyang relasyon alam na nya
at di matulad sa kagagahan ko.
Kung di nyo naitatanong(okay fine wag nyo na nga itanong pa, kasi eto na) dalawa pa lang ang lalaking tinuring kong THIS IS IT. (the rest, sorry pero, di ko talaga feel na naging gf nyo ako or bf ko kayo). Bakit silang dalawa lang? Ano naging batayan ko? SIKRET! NO CLUE PARA MASAYA!
Biro lang. Sa kanila ko lang nadama na isa akong espesyal (parang bibingka lang)na babae na may utak at desisyon na ginagalang... nung mga unang quarter. Hanporchuneytly, sa kalaunan, nakalimutan nilang babae ako; marupok, emosyonal at hindi lahat ng pag kakataon ay kayang magpalampas at pati pagkatao ko kinuwestyon na nila.(no more further details... lol)
Hindi ko na idedetalye ang mga pangyayari. Pero parang binago ko lang ang mga pangalan nila dahil halos pareho lang sila ng ginawa.(ayan, ang bitter ko na, yes!)
Bakit ko nga ba naisip na maging bitter bigla? Wala lang, gusto ko alng makisali! At natawa lang kasi ako sa reaction ng mga ex ko(the non bf ex) nung pinost ko yung mga litrato na kuha ni
jason. Aba mantakin mong ang haba ng hair ko! Abot hanggang EDSA, binaybay pa! Nag si padala ng mga mensahe ang mga mokong at talagang ang style iba iba:
(hindi ko na cocopy paste, may lurker jan na kilala nila ang choice of words ng ibang babanggitin ko e.. mayayari ako.. sounds like na like okies)ex # 1 Kamusta ka na? Pasensya kung ngayon lang ako nakapag pm sa iyo dito. Ano na number mo? Yun pa rin ba?
Ayus sa style di ba? Parang talagang intensyon nya na kamustahin ako. Kung hindi kaya ako nag post ng mga fechurs na yun sa palagay mo mag p-pm yun. HAYJONTINKSO! So di ako nag reply. Neknek mo..
ex # 2 Looking good! I miss you. Maybe we can catch up sometime. Coffee?
Naks, simple ang dating. may pa haymessyouhay-messyou pa! At least nag acknowledge sya na kaya nya ako na-pm ay dahil sa fechurs. Tae ka, kung di lang ako umayos sa litratong yun di mo pa ako aayain magkape? Nag reply ako ng:
Hey thanx. Sige coffee tayo pag di na ako busy at single ka na.. hehehe.. di ka na nag bago.. ganyan ka pa rin..
Gagong yun! Pag check ko sa profile,
in a relationship. At hindi nyo ako pwedeng sabihan ng "malay mo friendly coffee date lang". Mas kilala ko yung taong yun, wag ka ng pumalag.
ex # 3 Naks naman, ganda ng pictures. Tara inuman tayo minsan. Sama natin si _____. Miss ka na rin nun.
Eto, alam ko genuine to. Naging mag tropa naman kami bago kami naging whatchamakolit. Sige chong promise dadalaw ako minsan, iinom tayo. Magchismisan din tayo ng mga bagay bagay.
Sa totoo lang hindi ko talaga kayang mag pakabitter pa. Lipas na e. Para san pa? Ang impokrito ko naman kung di ako naging bitter nung nagkahiwalay kami. Kantuting op it, yung isa dun sa dalawa e nag papikot sa ka tropa mismo namin. In other words na wantutri ako, bantay salakay, na eskapohan. Pero ayun na e, nangyari na e. Nagkapatawaran na. Pinatawad ko na sila, pinatawad ko na rin sarili ko. Ngayon, we still go out. He and I are still close(to a point nahalos o para kaming mag best friends) No joke to. If you want sama ka sa amin minsan pag sakaling lalabas kami. As we always say, WE love awkward moments.
Yung isa naman... ayun ayos lang. Pinagpalit ako sa pangit. Bagay sila! Pangit na, pangit pa ugali mo. Sinaktan nya ako na akala ko hindi nya gagawin ang ginawa nung sinundan nya. Bigo. Binuhay ko sya ng ilang buwan, tapos yung ang gagawin nya sa akin. Binuhos ko oras ko sa kanya. Pati oras ko sa pamilya ko gusto nyang kunin. Leche sya! Tapos nakuha nya pang tumira sa ibabang unit ng apartment na tinitirhan ko (nuon, lumipat na kasi ako) kasama ang shota nyang insecure.
Wow! Masarap din pala manumbat. And now I know the feeling!
Pero para sa akin ang panunumbat at pagging bitter ay hindi palagiang nararapat. Oo may karapatan kang mag inarte at maggalit. Pero utang na loob. Wag naman madalas. Sige ka ikaw rin tatanda. Iisipin nyang tama lang na nagkahiwalay kayo. At kung alam mong ikaw ang may kasalanan, aba naman neng wag ka ng bitter! Chura neto. Magmamaganda ka pa e.