CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, October 22, 2008

I Crush You

Isang tulang hindi ulit akin. pero wish ko para sa akin.. joke lang caloi! (sarap ng maraming kaibigang makata!)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I Crush You.


Patingin-tingin, wala naman masabi.

Ibubuka ang bibig, sabay kakagatin ang labi.

Ayaw makipag-kamay, pasmado kasi.

Pero pag may iaabot na lapis o papel, sisikaping makadampi.

CHANSING…

Kapag makakasalubong ka, liligon sa kabilang direksyon.

‘Pag daan mo, sisinghot-singhot, “Ano kayang pabango yun?”.

Bago umuwi, dadaan ng Greenhills, bibili ng pekeng bersyon.

I-ispray sa kama, unan at kutson.

WET, SWEET DREAMS…

Kung naglalakad ka sa likod ko, lilingon sa kanan o kaliwa.

Ipapamalas ang pinakamagandang anggulo ng mukha.

Makikipagusap sa kasama, ngingiti at tatawa.

*May dimpols ako o! Napansin mo kaya?*

CUTENESS…

Pag nakita sa elevator, tatayo sa harap mo’t makikipagsiksikan.

Sinusulyapan ka mula sa mala-salaming pintuan.

Kunwari’y late na kasi, sisindak, “tsk!” sabay ang cellphone titignan.

Pero ang totoo, dumidiskarte lang kung paano ka pipicture-an.

PAPARAZZI…

Dati’y ayaw na ayaw na nagdadala ng payong.

Ngayo’y kahit maaraw, nagbabaon.

Naghihintay ng magandang tiempo at masamang panahon.

‘Wag ka mag-alala, mabibigyan kita ng silong.

SHINING ARMOR…

Pag may kasama ka, agad-agad iimbestigahan,

Sino yan? San nya na-meet? Matagal na ba silang magkaibigan?

Nangga-galaiti habang kayo’y nagtatawanan.

“EXCUSE ME!!!”, dadaan sa gitna ninyo na parang walang pakialam.

JELLY…

Sa opisina, nakatambay sa area mo.

Kunwa’y may kailangan o hinahanap na kung ano.

‘Di mo pa rin ako pinapansin, “Ang manhid naman nito!”

*Bahala na*, “Ekskyusmi, pahiram naman ng eraser mo o!”

GRADE SCHOOL…

Pag nakita ka sa CR, teka, hindi yata tama ‘yon.

Pero kung sakali ngang mangyari, ano kaya yung sitwasyon?

Nalasing ako sa bar? Kasama ka’t nahilo sa mall?

“Ayoko sumuka sa lababo, dun tayo sa stall.”

SCANDAL…

Mula sa malayo, bawat galaw mo’y sinusubaybayan.

Iyong tayo, pag-upo, pati pag-lingon sa orasan.

Habang inaaral ang iyong mga kilos, kinakabisado ng dahan-dahan.

Itatanong sa sarili, *Ako kaya? Kailan mo pagmamasdan.*

EAGLE-EYE…

Usisain mo ako, at marami kang malalaman.

Mga natatagong talino, galing at ‘di materyal na yaman,

Bigyan mo ako ng pagkakataon at handa akong patunayan,

Sabihin mong akin ka, at ako’y magiging iyo lamang.

30-DAY FREE-TRIAL…

Ayoko nang magpaligoy-ligoy, sawa na sa kakaantay.

Mundo ko’y malungkot, lagyan mo ng kulay.

Hindi na uso ang ligaw, oras lang ay malulustay.

Sabihin mong mahal mo ako, liligawan kita habambuhay.

LIFETIME WARRANTY…

-CaLoi Mendoza

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

malapit na syang magkaroon ng blog nya.. update ko kayo pag meron na..

-=xoxo=-

12 comments:

Anonymous said...

ayun yun eh! amf guilty ako sa ibang linya mo dito.. lalo na ito -

"Kunwari’y late na kasi, sisindak, “tsk!” sabay ang cellphone titignan."

hahaha!

Anonymous said...

anong klaseng nilalang ba yang Caloi na yan?

tao pa ba yan?

tulo-laway ako habang binabasa to. ang cute nga at witty ng pagkakagawa, may bahid pa ng katotohanan...

hikayatin mo nang magblog si bossing Caloi. aba'y sa totoo lamang e mas may karapatan pa yang tawaging "manunulat" kaysa sa akin.

san ang pans klab ni caloi?

GODDESS said...

akin na lang si caloi... parang tuta, ah! hahaha!

ang galing naman. kelan kaya ako makakatanggap ng ganito???

PoPoY said...

aysolab da poem.

parang bata yung gumawa.hehehe.

pede syang gawing kanta, at PAROKYA ANG NAKIKITA KONG PEDENG umawit kapag nangyari yan.lols

ayzprincess said...

goddess, pwede bang makipagagawan kay caloi?? ahihihi

damdam, pakisabe kung liligaw ng habambuhay, wala pa ako boyplen. ahihih ;))

magaling magaling magaling.. palakpak :D

Anonymous said...

thanks so much, i value the appreciation.

@arhey: yeah, we're all guilty of something from that poem. DamnDamn is guilty of all of it...everyday, can you imagine?

@lethalverses: sir, i will do the courtesy and honor of reading your blogs as soon as i find time. yes i'm human and i'm going through something right now. this is my way of venting.

@popoy: ganda nga cguro kung mei kanta ang parokya na ako ang sumulat.

@goddess&ayzprincess : *blush*

pb said...

kilala na ba kita caloi? parang di ka naikwekwento ng ate ko sakin... i bre break ko na boyps ko.. tayu nalang. switness eh. haha. biro lang.

blog kana... gow. anu kaya blog title mo.. kaka excite.

Anonymous said...

@pb : i dont think so, i'm ur sister's friend from waaaaay back, we just started catching up lately.

glad you like my lines. when i have more time, i will definitely set my own blog. kakahiya naman sa ate mo nakikisiksik ako dito.

RJ said...

off-topic: waw! kasama na ako sa mga matitindi sa blogroll mo! ahahaha! =D

billy yow well said...

dam eto ba yung entry na pinapabasa mo..ok sya..sabi nga ni pb answeet..

@caloi..
wow taba ng utak mo grabe..penge nmn ako kahit konti..

damdam said...

aint this poem amazing? sobrang nakakaguilty. ahaha..

@ LV - sana ma meet mo rin sya pag uwi nya dito sa pinas.. oo tao yan..

@ goddess - mare, hinayhinay lang.. wag masyadong aggressive.. demure tayo kambal.. ahaha!) at oo ang sarap nga siguro makatanggap ng ganito..

@ popoy - oo nga e.. sarap lapatan ng notes.. nag paalam na ako sa may akda, pumayag naman..

@ ayz - isa ka pa! finesse dear finesse..

@ rj - oo kasama ka na sa matindi! ang tindi mo mag basketball kasi e.. pag nakikita kitang pa drive na, gusto ko na lang kumamot ng ulo

@ billy - oo eto nga! galing noh?!

at shempre

CaLoi - salamat at napili mo akong mag post nitong mga tula mo.. bukas ang bahayblog ko para sa iyo lagi. hamo, tulungan kita sa blogging, gaya ng pag tulong nila sa akin nuon.

ingats lagi.. kung uuwi ka ng pinas sabihin mo agad ng makapag leave at ng makainuman na kita.. this time wala na akong jowang aberya! yehey!

Anonymous said...

naco naman. palagay ko kung ako bibigyan ng tulang ito, bibigay ako. hahaha.

i sooooo love the last 2 lines. hahaha. tell your friend i'm becoming a fan too.