CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, October 7, 2008

si krass..

krass ni damdam: uuwi na ako!
friends ni krass ni damdam: SIGE UMUWI KA NA! WALANG PIPIGIL SA IYO!!!
utak ni damdam: ako, ako! pinipigilan kita!!!

shet! how i wish i can say it out loud..

natotorpe ako sa iyo. hanggang ngayon di ko alam apelyido mo. ni hindi kita mahagilap sa friendster. di ko alam kung "in a relationship" ka o "it's complicated" status mo.

nickname mo lang alam ko. at alam ko lang e magaling ka mag piano. natutuwa ako sa mga trip mo. lalo na sa ngiti mo.

ganito pala pakiramdam ng may krass. para akong high school student muli. mas may rason para pumasok at ako lang ata ang taong masaya pag sasapit na ang lunes.

friends ni krass: UMUWI KA NA!
krass ni damdam: manahimik kayo, ang gulo nyo
utak ni damdam: OO NGA WAG NYO MUNA PAUWIIN!

may girlfriend ka ba? asawa? kabit? kerida? ahahaha...

san ka nakatira? sana sa susunod na elevator ride ko, usap ulit tayo.

teka, pansin ko lang. bakit pag nasa ibang lugar tayo, dun mo lang ako kinikibo? ayus lang, que sa hindi at all.

krass ni damdam: ok sige, uuwi na ako
friends ni krass: sige layas!
krass ni damdam: layas? mamimiss nyo ako!
utak ni damdam: oo, mamimiss kita...

at parang di na ako nag sawa sa ganitong sitwasyon sa araw araw na lang na ginawa ng Ginoo.

ahahahahaha.. see you tomorrow krass..

11 comments:

womanwarrior said...

allow yourself to be inspired. it helps. wala namang masama, di ba? at tapos na tayo sa stage when we allowed our hearts to overrule our minds...

:) said...

May crush din ako, lol.

Nakita ko sa terminal ng fx kahapon tapos nasa harap ko, e umuulan. yun yung mga panahong wini-wish ko na sana wala na lang akong dalang payong. hahaha!

The Gasoline Dude™ said...

Ako din me crazz. Hehehe.

I'm happy for you, Dam. Hindi ko mapigilan mapangiti habang binabasa ko itong post mo. Ang cute! Naiimagine kong high school student ka pa lang na nagkaka-crazz. *LOLz*

Anonymous said...

uy relate ako sa kilig factor ng pagkakaron ng crush...

at my age, para lang akong nagmumurang bubot na kalamansi...

ahihihihi...

parang hayskul drama nga lang pag me crush...

owel! ganyan lang talaga...

Axel said...

Buti ka pa may krass, wala akong krass ngayon eh...

Sana umuwi na Mahal Ko para aku din inspired... hehehe

Axel said...

Buti ka pa may krass, wala akong krass ngayon eh...

Sana umuwi na Mahal Ko para aku din inspired... hehehe

PoPoY said...

pati dito si axel nagsspam.lols.

ako din may krass.hahaha. nakikarass din ako. uso yata eh.lols

sabi nila, yan ang pinakamasarap na feeling. yung may krass.

inpired si ning. nagpapakita na ang rainbow. tapos na kasi ang ulan :)

Axel said...

@ Popoy >> tae ka, hindi spam yun... Eh sa wala akong krass ngayon noh...

Kilala ko krass ni Pam... wahahaha...

ayzprincess said...

ako rin may crush!!

una... yung bagong cadet namen, na kabahay namen sa lucena, na may gelplen pero may twin brother.. kaya may pag asa pa! ahahaha :P

at pangalwa yung isang maritime student na di ko alam kung anong year, na nakita kong nakatambay sa canteen kahapon.. parang gusto ko na ulet bumalik ng lucena :P

Unknown said...

Hi...

Website SEO

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮