Pakisuyong dakilain habang buhay ang isang yugto
Na pilitin talikdan ang bawat pag susumamo
Ng damdaming sawi, tuliro, at bigo
Hayaang ang pagtula ang humapo.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Langit at Lupa
by Lupa
Langit at Lupang 'di tinakdang magsama,
habambuhay na magkalayo kahit araw-araw nagpapangita.
Nananalangin na balang araw, payagan sila ni Bathala,
na kahit sandali'y makapiling ang isa't isa.
Ikaw ang Langit at ako ang Lupang tigang.
Tuyo at uhaw sa iyong pagpaparamdam.
Sa panahon ng tagsibol, basbasan mo ako ng ulan.
Ipaalala sa aking 'di mo ako nalilimutan.
Ako ang Lupa't ikaw ang asul na kalangitan,
Tuwing gabi, ako'y iyong nililisan.
Ipinaghahabilin sa mga bituin at sa buwan,
na sa aking pagtulog ako'y kanilang bantayan.
Sa pagsapit ng madaling araw, ako'y mananaginip.
Tila ulap ang hamog na sa aki'y nakapaligid.
Nakatalukbong sa aking kabuuan, dala'y pawis at init.
Nagsisinungaling sa sarili, kunwaring pangarap ay nakamit.
Kahit ako'y Lupa at Langit ka mang naturingan,
may mga pagkakataong galit mo'y nararanasan.
Kulog at kidlat na dala ng bagyo, iyong pawawalan.
Walang magagawa kundi magkubli sa silong ng kagubatan.
Lupa ako't nagkakamali din.
Sa pangagahas na ika'y makasama, bulka'y papuputukin.
Kahit abo ko man lamang ang sa iyo'y makarating.
Daglian namang pagsisisihan, mangangakong di na uulitin.
Sa pangarap na maabot ka, dahan-dahan kong nilililok;
iniipon ang sarili upang maging bundok.
Kung sapat na ang taas, ay pupunta sa tuktok.
Mahaplos lamang ang mga ulap na nakapalibot.
Pag-asa ko'y matutunghayan sa dalampasigan.
Sa aking abot-tanaw, mayroong guhit-tagpuan.
Langit at karagata'y tila magkapanayam.
Uupo ako sa buhangin upang magisip ng paraan.
Hinayaan kong tangayin ng alon ang ilang buhangin.
Umaasa na sa guhit-tagpuan, sila’y makarating.
Hagkan mo ang buhangin, at ibalik sa akin...
5 comments:
ayus ang tula utol =)
huwaw!
akalain mo nga namang...
halos pareho tayo ng tema ng lathala...
ang galing ng Caloi na 'yan, tumatanggap ba yan ng apprentice?
Astig, ganda ng tula nya ah...
Mukhang nakarelate ka ata dun sa tulang yun ah.. hehehe
salamat sa pagbabasa...
视讯聊天交友网 , 色群视频秀 , 免费寂寞交友聊天 , 视频秀聊天室 , 视频秀场 , 一对一视频交友 , 真人视讯聊天交友网 , 真爱旅舍 , 真爱旅舍聊天室 , 真爱旅舍视频聊天
Post a Comment