muli ako ay kumakanlong sa isang obra ni caloi
--------------------------------------------------------
Naalala mo pa ba noong tayo’y nilikha?
Dalawang bagay na ginawang tunay ni Bathala,
Nang unang masilaya’y kaagad kang sininta.
Mula noon hanggang ngayon, tanging ikaw ang tinitingala.
Pagsasama nati’y nangangahulugan
ng pagtatapos ng mundo at sangkatauhan.
Ang tanging sandali na pinaka-aasam,
Matatapos sa ilang lagitik ng orasan.
Ating kapalara’y sadyang kay lupit.
Alamat ng tunay na pag-iibigang pinagkait.
Ngunit kung sa iilang sandal, pangarap ay makakamit,
Maghihintay muli sa pangalawang buhay, at aasang mauulit.
Friday, October 31, 2008
pahabol.....
Posted by damdam at 9:54 PM 3 comments
Labels: damdam shareshare
Thursday, October 23, 2008
Stalker
MAY BAGO SI CaLoi!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
DISCLAIMER: The author does not suffer from psychosis, schizophrenia, neurosis, dementia or any combination of the sort. This poem is nothing but a spontaneous yet creative reaction to ayz_princess’ profile where she indicated that one of her interests was stalking people. The author expounded on that thought and internalized, “If was a stalker…what would I do, what would I think and how would I act.” The author would like to apologize in advance, but is not responsible, for the uneasiness, anxiety or disquietude the readers may experience during or after reading this poem. The author understands that this poem equates to a blogging-career suicide and will not take it personally if the readers take back their positive comments from the previous posts…but then again, it’s just a character.
STALKER
By CaLoi
I’m that familiar face you can’t associate with a name.
Prolly cuz when you were a player, I was at every game.
Taking hours of video, then making pics off of every frame,
Watching your videos over and over, yet to me, it’s never the same.
I’m usually those two headlights in your rear-view mirror.
And that lightning flash that wasn’t followed by thunder,
Yeah that was me, taking your picture.
Your image that exact moment was perfect, I had to capture.
At church when you kneel down and close your eyes in prayer,
And you feel like you’re being watched, I don’t mean to bother.
At the sign of peace, to shake your hand I’m so eager,
Popping up beside you right before reciting the Lord’s Prayer.
My shrink said I needed to take this pill.
And for a day get some rest then let him know how I feel.
But what if I’m missing out on you?! Suddenly I feel more ill.
So I dress up and get out, checking all the places where you chill.
I know it’s wrong; I can’t keep going on like this.
Somehow, someway, I have to let you know I exist.
Hearing you say my name is my concept of bliss.
So I gather all my strength, I have one chance, I can’t miss.
I approach you from behind…NO! I gotta try this again.
If I want to be sincere, up-front is where I should begin.
Circling around, I muster all the courage from within.
Wait a minute, you’re locked in a torrid kiss, am I trippin?
Dammit! I got caught off-guard, never saw that coming!
I scurry back home, take all your videos and start watching.
Every time, he was within arms’ reach, right there smiling.
I didn’t notice him before; I couldn’t hold it in and start screaming.
Lying on my bathroom floor, clutching my chest,
All the things I love about you, I now detest.
“How can you betray me?” took one pill, Doc knows best.
But then I thought, *I’ll make you regret this…*, went ahead and downed the rest.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
At napabilib na naman ako...
xoxo por you again..
Posted by damdam at 2:47 PM 7 comments
Labels: damdam shareshare
Wednesday, October 22, 2008
I Crush You
Isang tulang hindi ulit akin. pero wish ko para sa akin.. joke lang caloi! (sarap ng maraming kaibigang makata!)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I Crush You.
Patingin-tingin, wala naman masabi.
Ibubuka ang bibig, sabay kakagatin ang labi.
Ayaw makipag-kamay, pasmado kasi.
Pero pag may iaabot na lapis o papel, sisikaping makadampi.
CHANSING…
Kapag makakasalubong ka, liligon sa kabilang direksyon.
‘Pag daan mo, sisinghot-singhot, “Ano kayang pabango yun?”.
Bago umuwi, dadaan ng Greenhills, bibili ng pekeng bersyon.
I-ispray sa
WET, SWEET DREAMS…
Kung naglalakad ka sa likod ko, lilingon sa kanan o kaliwa.
Ipapamalas ang pinakamagandang anggulo ng mukha.
Makikipagusap sa kasama, ngingiti at tatawa.
*May dimpols ako o! Napansin mo kaya?*
CUTENESS…
Pag nakita sa elevator, tatayo sa harap mo’t makikipagsiksikan.
Sinusulyapan ka mula sa mala-salaming pintuan.
Kunwari’y late na kasi, sisindak, “tsk!” sabay ang cellphone titignan.
Pero ang totoo, dumidiskarte lang kung paano ka pipicture-an.
PAPARAZZI…
Dati’y ayaw na ayaw na nagdadala ng payong.
Ngayo’y kahit maaraw, nagbabaon.
Naghihintay ng magandang tiempo at masamang panahon.
‘Wag ka mag-alala, mabibigyan kita ng silong.
SHINING ARMOR…
Pag may kasama ka, agad-agad iimbestigahan,
Sino yan? San nya na-meet? Matagal na ba silang magkaibigan?
Nangga-galaiti habang kayo’y nagtatawanan.
“EXCUSE ME!!!”, dadaan sa gitna ninyo na parang walang pakialam.
JELLY…
Sa opisina, nakatambay sa area mo.
Kunwa’y may kailangan o hinahanap na kung ano.
‘Di mo pa rin ako pinapansin, “Ang manhid naman nito!”
*Bahala na*, “Ekskyusmi, pahiram naman ng eraser mo o!”
GRADE SCHOOL…
Pag nakita ka sa CR, teka, hindi yata tama ‘yon.
Pero kung sakali ngang mangyari, ano kaya yung sitwasyon?
Nalasing ako sa bar? Kasama ka’t nahilo sa mall?
“Ayoko sumuka sa lababo, dun tayo sa stall.”
SCANDAL…
Mula sa malayo, bawat galaw mo’y sinusubaybayan.
Iyong tayo, pag-upo, pati pag-lingon sa orasan.
Habang inaaral ang iyong mga kilos, kinakabisado ng dahan-dahan.
Itatanong sa sarili, *Ako kaya? Kailan mo pagmamasdan.*
EAGLE-EYE…
Usisain mo ako, at marami kang malalaman.
Mga natatagong talino, galing at ‘di materyal na yaman,
Bigyan mo ako ng pagkakataon at handa akong patunayan,
Sabihin mong akin ka, at ako’y magiging iyo lamang.
30-DAY FREE-TRIAL…
Ayoko nang magpaligoy-ligoy, sawa na sa kakaantay.
Mundo ko’y malungkot, lagyan mo ng kulay.
Hindi na uso ang ligaw, oras lang ay malulustay.
Sabihin mong mahal mo ako, liligawan kita habambuhay.
LIFETIME WARRANTY…
-CaLoi Mendoza
malapit na syang magkaroon ng blog nya.. update ko kayo pag meron na..
-=xoxo=-
Posted by damdam at 2:14 PM 12 comments
Labels: damdam shareshare
Tuesday, October 21, 2008
mas okay talaga ang mahaba
Minsang lang ako magtrip, so pag bigyan nyo na:
Uunahin ko ng humingi ng tawad sa mga taong hindi maganda ang reaksyon dahil sa short hair ko. May mga ilan jan na kulang na lang e lumabas sa monitor ko para lang manabunot (as if hahaba eh noh).
Nang magising nga ako at naiwan ko ang YM ko na bukas, ay shet, inulan ako ng batikos. Now i know what britney felt nung magpa skinhead sya.
Eto ang mga napagtanto ko sa kahibangang ito:
- Karamihan sa mga binatang lalaki na natanong ko kung bagay ba e hindi sumangayon. Mas gusto daw nila ang long hair. (I wonder why? hmmmmm)
- Karamihan sa mga babaeng dalaga na long hair din e ayus lang sa kanila na nagpagupit ako (ginawa pa ata akong guinea pig)
- Karamihan sa mga babaeng hindi long hair ang nag welcome sa akin!
- Lahat ng lalaking tinanong kong may asawa na e walang say masyado. Ayus lang daw kahit long o short. Kung saan daw ako masaya
- Lahat sila halos nag tanong ng "anong problema?" o "bakit?" (basta, same idea)
<<<>
Totoong beauty is in the eye of the beholder (wag ka ng pumalag), dahil ibat-ibang side comments:
- nag mukha kang bata
- nag mukha kang matanda
- mukha kang nanay
- pb ikaw yan? (eto di ko alam kugn compliment lol!)
(there is something wrong with blogspot na naman!.. nawala yung mga nakasulat dito sa baba!)
anyhow kalabaw, uulitin ko na lang..
so i therefore conclude:
mas okay talaga ang mahaba que sa ma style na maigsi.. tama? TAMA!
edit: dahil tae ang blogspot (malapit na talaga akong lumipat ng wordpress pfft) nawala ang nilagay ko nung una na wig lang ito.. hindi akin tong buhok, malay ko kung anong hayop pinag hugutan neto. pero yung wig e kay ermats... ayan gas.dude, malinaw na ha! wig yan wig!
Posted by damdam at 12:38 PM 14 comments
Labels: damdam shareshare
Sunday, October 19, 2008
Langit at Lupa
Pakisuyong dakilain habang buhay ang isang yugto
Na pilitin talikdan ang bawat pag susumamo
Ng damdaming sawi, tuliro, at bigo
Hayaang ang pagtula ang humapo.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Langit at Lupa
by Lupa
Langit at Lupang 'di tinakdang magsama,
habambuhay na magkalayo kahit araw-araw nagpapangita.
Nananalangin na balang araw, payagan sila ni Bathala,
na kahit sandali'y makapiling ang isa't isa.
Ikaw ang Langit at ako ang Lupang tigang.
Tuyo at uhaw sa iyong pagpaparamdam.
Sa panahon ng tagsibol, basbasan mo ako ng ulan.
Ipaalala sa aking 'di mo ako nalilimutan.
Ako ang Lupa't ikaw ang asul na kalangitan,
Tuwing gabi, ako'y iyong nililisan.
Ipinaghahabilin sa mga bituin at sa buwan,
na sa aking pagtulog ako'y kanilang bantayan.
Sa pagsapit ng madaling araw, ako'y mananaginip.
Tila ulap ang hamog na sa aki'y nakapaligid.
Nakatalukbong sa aking kabuuan, dala'y pawis at init.
Nagsisinungaling sa sarili, kunwaring pangarap ay nakamit.
Kahit ako'y Lupa at Langit ka mang naturingan,
may mga pagkakataong galit mo'y nararanasan.
Kulog at kidlat na dala ng bagyo, iyong pawawalan.
Walang magagawa kundi magkubli sa silong ng kagubatan.
Lupa ako't nagkakamali din.
Sa pangagahas na ika'y makasama, bulka'y papuputukin.
Kahit abo ko man lamang ang sa iyo'y makarating.
Daglian namang pagsisisihan, mangangakong di na uulitin.
Sa pangarap na maabot ka, dahan-dahan kong nilililok;
iniipon ang sarili upang maging bundok.
Kung sapat na ang taas, ay pupunta sa tuktok.
Mahaplos lamang ang mga ulap na nakapalibot.
Pag-asa ko'y matutunghayan sa dalampasigan.
Sa aking abot-tanaw, mayroong guhit-tagpuan.
Langit at karagata'y tila magkapanayam.
Uupo ako sa buhangin upang magisip ng paraan.
Hinayaan kong tangayin ng alon ang ilang buhangin.
Umaasa na sa guhit-tagpuan, sila’y makarating.
Hagkan mo ang buhangin, at ibalik sa akin...
Posted by damdam at 3:38 PM 5 comments
Labels: damdam shareshare
Thursday, October 16, 2008
105 year old virgin
Narinig ko lang sa radyo to. i was driving home and ito ang topic ng balahurang DJ na yun. (di ko talaga trip yung dj na yun, ewan ko ba bakit ako nakikinig sa show nya... actually to stay awake.. magaling panggising sa inaantok ang init ng ulo)
okay balik tayo...
Sabi ni Clara Meadmore na taga Inglatera, wala daw syang oras para sa sex. At sinumpa na nya sa sarili nya mula nung 12 years old pa lang sya na hindi sya mag aasawa. At ito daw ang sikreto nya para sa mahabang buhay (damn! but who wants to live forever? *pasok freddie mercury)
At habang nag hihilom ang buwanang "sugat" ni Clara, e di na nya ninais pang makipag siping sa kahit kanino.
It's a choice I guess. Di naman daw sya tibo, at walang kinalaman ang relihiyon sa desisyon nyang ito. nagkaroon naman daw sya ng mga platonc relationship with guys (shet si lola, pumaplatonic nun!) ayaw lang daw talaga nyang paratingin sa next level (apir lola! aminin mo na pareho lang tayong takot sa relasyon.. joke lang, wag mo akong dadalawin ha?!). Para sa kanya masyadong hassle lang daw ang kasal at relasyon (apir lola, magkakasundo tayo jan)
Di rin naman sya panget. Maiintindihan ko pa kung ang itsura nya e kahawig ng inspiration ng kantang Silvertoes ng Parokya ni Edgar. E kaso, hindi e.
Sa totoo lang nakakainggit sya. Wala syang ideya ng salitang tigang. Di nya alam e!
Sa Pinas kaya, sino ang pinakamatandang birhen at ilang taon ito?
Pero ang tanong ko. Paano kaya nila napatunayan na virgin pa si lola? May nagpangahas na humawi ng mga agiw? May sumubok at sumigaw ng "shet oo nga may dugo pa!"... AY! taga england nga pala sya o ganito malamang ang sigaw "Bloody Hell!" (biro lang talaga pramis!)
Eto link ni Clara. Cute ng smile nya, parang di nya alam kung tama ba desisyon nya na birhen pa sya... joke lang ulit lola! wag mo akong bibisitahin kapag "naabot mo na ang langit".
Posted by damdam at 10:41 AM 7 comments
Labels: damdam shareshare
Thursday, October 9, 2008
the undeveloped pose
she walks the talk
and talks the walk
and walk and thinks
but thinks she wont
she is fabulously
mysterious and mystified
magnificent and majestic
majority thinks she might
she dances her heart
melodicly sings and shout
smiles with her soul
and lips are pout
she thinks she cant
the can we cant
think she will be
will not ever be
she lights the obscure
no more dim caliginous
and glitters in the dark
she shimmers and sparks
she smiles the miles
and silly similes
the right words to sign
geesh i just cant find
yes! she is fickle
sometimes fumbles
yet her fortress is spiffy
her mind ensembles
but she cant see all these
all those traits there is
wandering thought she have
jails the truth she has
she is beautiful
but refuses to see
misty sight
tears blocking the bright
her undeveloped poses
the ethereal world sees
she deprived us the show
guessed we will never know
well damn damn
i wish i can convince
she will praise the wrong
and remove those nasty tears
* kilala mo na kung sino ka.. at oo para sa iyo to.. balik ka kaagad ha.. ingats ka.. pagbalik mo, nandito pa rin ako.. di ko na rin kasi alam paano ka convince.. pasensyahan mo na to, eto lang kinaya ng powers ko.. mwah!
Posted by damdam at 8:39 PM 9 comments
Labels: damdam tulatula
i tried to write a poem,
i tried to write a poem,
a minstrel can help me out
perhaps
a wandering bard.
i tried to write a poem,
be a magister amoris
and for nature and nurture
but nothing came
i tried to write a poem,
maybe an elegy
or a fabulous epic
though my brain is in void
i tried to write a poem,
of a by gone age
of birth and growth
yet my voice is numb
i tried to write a poem,
to kill my thoughts
and to the elixir of life
make them real for once
i tried to write a poem,
create characters of perfection
and a land of happy happy joy joy
and eternal youth and beauty
i tried, i really tried
yet reality strikes
and reality bites
im not in a dream
i am wide awake...
Posted by damdam at 8:07 AM 6 comments
Labels: damdam tulatula
Tuesday, October 7, 2008
si krass..
friends ni krass ni damdam: SIGE UMUWI KA NA! WALANG PIPIGIL SA IYO!!!
utak ni damdam: ako, ako! pinipigilan kita!!!
shet! how i wish i can say it out loud..
natotorpe ako sa iyo. hanggang ngayon di ko alam apelyido mo. ni hindi kita mahagilap sa friendster. di ko alam kung "in a relationship" ka o "it's complicated" status mo.
nickname mo lang alam ko. at alam ko lang e magaling ka mag piano. natutuwa ako sa mga trip mo. lalo na sa ngiti mo.
ganito pala pakiramdam ng may krass. para akong high school student muli. mas may rason para pumasok at ako lang ata ang taong masaya pag sasapit na ang lunes.
krass ni damdam: manahimik kayo, ang gulo nyo
utak ni damdam: OO NGA WAG NYO MUNA PAUWIIN!
may girlfriend ka ba? asawa? kabit? kerida? ahahaha...
san ka nakatira? sana sa susunod na elevator ride ko, usap ulit tayo.
teka, pansin ko lang. bakit pag nasa ibang lugar tayo, dun mo lang ako kinikibo? ayus lang, que sa hindi at all.
friends ni krass: sige layas!
krass ni damdam: layas? mamimiss nyo ako!
utak ni damdam: oo, mamimiss kita...
at parang di na ako nag sawa sa ganitong sitwasyon sa araw araw na lang na ginawa ng Ginoo.
ahahahahaha.. see you tomorrow krass..
Posted by damdam at 12:57 PM 11 comments
Labels: damdam shareshare
Friday, October 3, 2008
isang tagpo
Isang tagpo ng mapag-usapan namin ng isang kaibigan ang nalalapit na pagpapakasal ng ama ng anak ko:
"E kasi naman damdam, ang engot mo! naka higa ka na sa malambot na kama, umalis ka pa
At sumagot ang damdam,
"Aanhin ko ang malambot na kama kung di na ako kumportable at masaya? Umalis na rin ako, nagising na rin ako nun e. Na-etsapwera na rin ako sa kama, may iba na kasing gustong itabi."
Posted by damdam at 3:15 PM 4 comments
Labels: damdam shareshare
Thursday, October 2, 2008
anak nga kita (na-tag pala ako ni lyzius.. sakto!)
EDITED:
Na-tag pala ako ni mareng Lyzius! ahahaha.. sakto sa post ko. dahil tungkol sa mga junakis ang paksa ng tag nya:
list all of your kids’ names, or even just one. write down the story or the reason why you chose it. if you’re expecting or planning to have more kids and already have a name for them… list them down too…
Isa (pa) lang ang anak ko. Pinangalanan ko(take note "ko") syang SANTINO ANTONIO. Bakit? dahil ganyan ako ka adik sa palabas na The Godfather. Si Santino ang first born ni Don vito Corleone, at dahil duh! unang anak ko si Santi, kung kaya iyan ang ipinangalan ko sa kanya.
Yung Antonio ay hango sa dalawang rason. Una, dahil ito sa ang pangalan ng ama ni Don Vito ay Antonio Andolini(oo na adik na ako sa the godfather, kulit mo!) Pangalawang dahilan ay dahil sa may kaibigan kami (meaning ng ama ng anak ko) na isang wow shet halimaw ang utak, nag uumapaw na kahenyohan! E nag babakasakaling madaus-dusan ang anak ko ng biyaya sa karunungan at kamalayan dahil sa magka-pangalan sila(labo).
Sa totoo lang wala akong balak mag anak ...... sa ngayon. Basta negotiable pa. Depende kung sino ama.
At sa mga nakalipas na pangyayari e parang ayaw ko na nga talagang mag anak pang muli. Ang hirap pumagitna sa dalawang taong may magkaiba at mag kasalungat na prinsipyo. E paano pa kung anak ko yun? E aka sa sakit ng bangs ko e pag untugin ko yung dalawa! Mabantay bata pa ako!
Pero, kung sakali na magkakaanak ako ang ipapangalan ko ay..... SECRET! baka may gumaya!
O sya, ayaw ko ng magpaliwanag pa. Mag tatag na rin ako.
I tag:
Goddess
Lethalverses
Efbee
*sa pagkakaalam ko, parehong binatna este binata si LV at FB. Gusto ko lang malaman kung pano nyo sasagutin. Eehehehe....
-----------------------------
Isa sa gifts ng aking mahal na mahal na junakis e ang mangabisote. Kapag binasahan mo sya ng libro ng dalawang beses e mamememorize na nya yun agad. At kaya na nyang mag inarte na akala mo e binabasa nya yung libro(di naman marunong).
isang tagpo sa bahay nila damdam:
Linggo. Habang nasa hammock sila LV at CI at si AYZ naman ay nasa upuan, "binasahan" ni Santi ng libro ang tatlo. Shempre and mudra ni Santi, proud as ever at natatawa kasi ang galing e(sensya na.. love your own ako!).
Dahil sa angking kapilyuhan ni LV eto nangyari:
LV: Santi, basahin mo nga ang nasa likod(tinuro ang likod ng libro)
(tinignan ni Santi maigi ang likod ng libro habang naka kunot noo, sabay sagot ng...)
Santi: BAKIT?
nyahahahahha... ayun tawa kami ever. At nasabi na lang nila na "Anak mo nga!"
-----------------------------
Kanina, habang nag bobonding session kami nila mother-superiora at ni pembong sa lungga nya, naikwento ni mama ang isang tagpo sa kwarto nila.
Santi: Mama(he calls my mom Mama, and calls me Mommy), dapat magpagaling ka na. Inumin mo yung mga gamot mo lagi. Para gumaling na yang dede mo at mag ka buhok ka na ulit.
(may breast cancer si mama, para sa mga hindi nakakaalam.... She is fine by the way. isang chemo session na lang at one month radiation! yehey tapos na treatment nya! i love you mama! mwah!)
Mama: Ok
Santi: at tsaka, wag ka na rin mamalo ha, para gumaling ka na.
Mama: Ha? Bakit?
Santi: Sabi ng doktor masama daw yun. Kaya wag ka ng mamalo. (sabay alis... lol)
-----------------------------
Isang araw, nang maisipan naming bisitahin ang kanya mabuting ama(walang halong sarcasm yan, pramis) sa kanilang bahay, saktong nandun ang mga friendships namin.
Kami ay nakatambay sa sofa, e pinapila namin ang boys. At tinanong si santi....
Ama nya: Santi, sino ang gwapo jan?
Santi: (tinignan sila. mga 10 seconds siguro, sabay sagot) AKO LANG!
tumbling ever ang mga mokong.
-----------------------------
Noong nandito pa si Papa(as in dad ko ha, hindi papa na jowa) sa Pnas, napansin nila habang kumakain ng agahan ang aking patuloy na pag lusog... Fine! oo na ang taba ko na! So, my dad said na i should get some excersise and mas ok na mag gym na ako.
At dahil may PMS ata ako nun, so tampo ako ever. I went to Santi's room(room ng parents ko) and saw him watching cartoons (ang anak ko pag nanonood ng cartoons e parang ako rin, naaliw pero hindi tumatawa). So, nilapitan ko sya.
Damdam: Anak, mataba na ba si Mommy?
Santi: (tinignan ako, sabay balik ng atensyon sa tv)
Damdam: Santi, sexy pa ba si Mommy?
Santi: (tinignan ako ulit. This time mula ulo hanggang paa, tapos nag irap, at sabi) MOMMY, MAHAL KITA. (tapos balik nood tv)
pffttt... anak nga kita...
-----------------------------
i love you ti! mwah! promise sa christmas, may train ka... sasakay tayo PNR tapos iiwan kita dun pag makulit ka.. lol biro lang..
i love you! mwah! ikaw lang ang lalaking hinding hindi ko pag sasawaang mahalin.
Posted by damdam at 10:34 AM 8 comments
Labels: damdam shareshare